[ENTRANCING MUSIC] [HORNS HONKING] JOHN: Isa ang Quiapo sa pinakaabalang lugar
sa Maynila. LECTOR: "...ang pasya
ay pantay-pantay." "Panginoon, iyong taglay
ang Salitang bumubuhay." JOHN: Dagsa rito
ang mga mananampalataya at deboto ng Itim na Nazareno. Noon hanggang ngayon, sentro din ang Quiapo
ng komersiyo. [OVERLAPPING CHATTER] Sa totoo lang, ngayon lang ako
nakalibot sa Quiapo. At imposibleng hindi ka
mapa-food trip dito. Anong klaseng juice ito? -Ano, dragon fruit juice. JOHN: Dragon fruit
juice, okay. -Sige, puwedeng matikman na?
-Puwede. -Okay, so ito na
ang dragon fruit juice na talaga namang,
kita ninyo naman, pinipilahan talaga
rito sa Quiapo. Tikman natin, ano. Ang sarap. Must-try dito sa Quiapo. JOHN: Pero hindi lang pagkain
ang ipinunta ko rito. Pakay kong makita
ang iba't ibang kultura. At makilala ang tinatawag
na "Bae A Labi" o ang hinirang na prinsesa
sa Quiapo. [MAN CHANTING IN LOCAL LANGUAGE] Nagkataon na sa unang Linggo
ng buwan ako dumalaw rito. Sa dami ng tao, um
abot na
hanggang labas ng simbahan ang mga deboto. LECTOR: ...ng katawan ni Kristo. JOHN: Nakikimisa kahit pa
tirik na ang araw. ANNABEL: Tapos iyon ang ating
usually pinag-uusapan... JOHN: Dito ko kinita si Annabel, isang kilalang tour guide
sa Quiapo. Kasama niya ang dalawang Gen Z na sinasanay niyang
maging tour guide. -Hello po, Ma'am Annabel.
-Ay, hello, sir. -Magandang umaga po,
John Consulta po sa I-Witness. -Oo, Annabel po. [CHUCKLES]
-Kumusta po kayo? Kumusta po kayo? Kumusta po? -Mabut
i naman po.
Sir, thank you naman po... JOHN: Nagsimula
ang kanilang tour dito sa makasaysayang
Plaza Miranda. -Ang Plaza Miranda ngayon,
napapansin ninyo, medyo ginagawa na ring
Instagram-worthy ng Quiapo. Pinaganda dahil nga po
sa sobrang dami ng tao sa loob ng simbahan. Dito sa banda rito,
makikita ninyo ito, itong platform na ito
at saka iyong estatwa na iyan, the cradle of great, ipinagawa iyan
para ipaalala sa mga Manileño na rito sa Plaza Miranda, puwede kang maglabas
ng saloobin mo. JOHN:
Ang Fundacion Santiago, isang non-government
organization ang nagturo sa mga kagaya
ni Annabel na maging heritage
community guide. At siya na ngayon ang nagtuturo
sa mga kabataan kabilang ang kaniyang anak. -Ito ay mga original talaga
na batang Quaipo, born and raised in Quiapo. -Growing up, hindi ko pa po
na-appreciate before ang heritage,
ang natatago ng Quiapo pero sa nakikita ko po
sa work niya and parang nabuksan po ako
ng opportunity para po mas makilala
kung saan ako lumaki, o ano po iyo
ng itinatagong--
hidden gem dito sa Quiapo. Kasi ang dami pong mga stigma
regarding sa Quiapo, eh. -Ano ba iyong mga naririnig mong
mga stigma tungkol sa Quiapo? At ano ang gusto mong
mangyari dito? -Quiapo is more than magnanakaw,
more than mandurukot, more than mga kung ano pa pong
mga negative na mga itinatawag po rito
sa Quiapo. Gusto naming i-promote
na there's more to that, there are more stories, marami pong mga culture,
tradition na hindi po alam ng nakararami. [CHORAL MUSIC] JOHN: Hindi
lang pala basta
pasyalan lang ang Quiapo dahil malalim ang kahulugan
nito para sa marami gaya ni Annabel. -Noong time po kasi
na nabiyuda ako, iyon lang
ang pinanghahawakan ko. So nag-grow,
nag-grow iyong aking debosyon at nag-grow na rin
iyong pagmamahal ko sa pamana sa Quiapo. JOHN: Inilibot pa ako ni Annabel
sa mga sulok-sulok ng Quiapo kung saan iba't ibang klaseng
mga paniniwala ang nakita ko. -Ito iyong aming mga manghuhula
sa Quiapo. JOHN: Iyan. So ano po ba
mayroon dito, ma'am? -Iyan iy
ong charms. Oh, usually ito,
iyong charms na ito, ito ay pantanggal ng malas. And itong charms na ito, usually hindi siya binibili
na para sa iyo. Bibilhin mo siya para ibigay... -Sa ibang tao?
ANNABEL: ...sa ibang tao. -Ah, so parang regalo mo--
ANNABEL: Yes. -Pangkalahatang kahilingan,
kuya. JOHN: Halos lahat na yata
ng problema, may solusyon sila rito. -Pero kung gusto mo ay babae
iyong pakonsensiyahin mo-- kunwari iyong kapitbahay mo
nagtapon ng basura, gigil na gigil ka sa kaniya,
hindi mo
siya maaway, so babae, ito iyong-- Babae ito, Ate Alma, ano? -Itong babae ang iyong i...
-Iharap natin sa camera. -Yes.
-Babae, ano? -Babae.
-You mean, mukhang babae. -Oo. JOHN: Ilang hakbang lang mula sa sentro ng Katolisismo
sa Quiapo, matatagpuan ang sentro
ng Muslim community sa buong Maynila. Kailangan mo lang tumawid
sa lagusang ito sa ilalim ng Quezon Bridge. Dito ko raw mahahanap
ang prinsesa ng Quiapo. [ETHNIC MUSIC] [INDISTINCT CHATTER] [HORN HONKING] Pagdating ko sa Muslim Town,
paran
g wala ako sa Maynila. Mula sa kasuotan, pagkain, at mga paninda. Naabutan kong naghahanda rin
ang komunidad para sa darating na Ramadan. [UPBEAT IMMERSIVE MUSIC] Kikitain ko rito si Chui, isa sa mga vlogger
na nauna nang nagtampok sa kultura ng mga Muslim dito. Sa kaniyang mga vlog, ibinibida niya
ang mga pagkaing Muslim at ang mga kuwento
sa likod nito. Ano ba itong lugar na ito? -Ito, tinatawag ito, John,
"Globo de Oro." -Okay.
-So dito iyong mga... naninirahan karamihan
ang ating mga kapatid
na Muslim, lalo na mga galing Maranao,
Maguindanao. Tapos dito, marami ka rin
makikitang mga produkto na galing probinsya nila. Kasi itong kainan na ito, ito talaga iyong isa
sa paborito ko. Ito iyong pater ni Tita Inta. -Ah...
-Ayan. So very pang-budget
friendly siya. Twenty-five pesos,
mayroon ka nang meal. -Twenty-five pesos?
-Opo, P25. -Ano ang kasama roon sa P25?
-Sa styrofoam na iyon, mayroon iyong double
turmeric rice. Tapos mayroon iyang ulam, puwede kang mamili
kung chicken piaparan o
iyong bestseller nila
na chicken rendang. -Wow.
-Opo. So, ito po iyon. As-salamu alaykum, Tita Inta. [ETHNIC MUSIC] -Perfect bite ito.
-Okay. -Sige, so--
-Cheers po. -Cheers.
-Cheers. [CHUCKLING] -Cheers. Mmm. -Masarap. Uy!
-[BOTH LAUGH] -Ang sarap nga. -Iyong taste buds mo talaga,
mabubusog din talaga. Alam mo iyong, it's an explosion
of flavors, eh. -Oo. -Iyong anghang, iyong palapa,
iyong turmeric, iyong luya. -Parang ang daming ganap.
-Oo. -Alam mo iyon,
na akala mo, "Ha? Filipino food ba it
o?" "Oo, Filipino food ito,"
at the same time. Parang ganoon. JOHN: 2019 nang simulang
mag-vlog ni Chui. -I'm being honest, satti is my favorite Mindanao
food of all time. -So, ano pa iyong mga bagay
na kinagustuhan mo rito sa pagva-vlog mo ng pagkain
ng pagkaing Maranao? -Itinatanong po ng iba, eh, "Bakit ba mahilig ka
mag-promote ng halal food, Muslim ka ba?" Actually, Christian po ako,
Katoliko ako, eh. Pero ang interest ko kasi, it's more on paano mo rin sila
ilalagay sa limelight. -Mm-hmm.
-Na sabi ko nga, eh, "Ang daming, 'di ba,
trending na Korean food, ang daming trending
na ibang pagkain pero bakit hindi
iyong sariling atin?" Which is based on history nga, ang pagkaing Muslim
o pagkaing halal, precolonial. -Paano nabago iyong perspective
mo sa Muslim community dito sa pagfi-feature mo
ng pagkain ng mga Maranao as a vlogger? -So iyon po iyong parang minsan,
iyong fulfilling, eh, na nag-iba talaga,
like iyong pananaw ko, perspective ko na,
"Ah, ito palang vlogging, hindi lang pa
la ito
iyong parang puwede ka sumikat, puwede kang magpasikat. It's more on game changer." Iyong kaya mong magbago
ng pananaw ng mga tao, alam mo iyon? JOHN: Sunod naming hinanap
ang isa sa viral food dito sa Quiapo-- ang pastil o pater. Chui, ano itong lugar na ito? -Ito, sir, like geographically,
Bautista Street talaga ito pero dahil sa daming pastilan, tinatawag nilang
"Pastil Street." So, rito makikita mo, halos lahat iyan, nagbebenta
ng tinatawag nilang "pastil." So iyon, eh, rice meal na m
ay kaunting ulam
na parang adobo flakes, nakabalot sa dahon ng saging. JOHN: Kanin na may adobo flakes
sa ibabaw? -Parang ganoon tapos nakabalot
sa dahon ng saging. Pero ang catch doon, P10 lang. -Sampung piso lang?
-[LAUGHING] Sampung piso lang. -Isang order?
-Isang order. So, ito na po iyon. Iyan, tig-isa tayo. -Cheers.
-Okay. Cheers. -'Di ba?
-Puwede. Ang sarap, para siyang
lasang adobo. -Parang nga po, mm-hmm. -Sampung piso,
isang order nito? -Isang order lang iyon. -Pero iyong P10, ito... S
a dami niya, parang sa tantiya ko makaka-lima
hanggang anim na subo ka sa P10. Eh, talagang sulit na sulit
sa presyo niya. JOHN: Ayon
kay Professor Julkipli Wadi, dean ng Institute
of Islamic Studies ng University
of the Philippines, karamihan sa mga Muslim
sa Quiapo ay mga Maranao. Likas daw silang maabilidad lalo na pagdating
sa kanilang mga pagkain. -Kaya riyan sa Quiapo,
sa galing nila in going into business venture, maski iyong Indonesian food,
Malaysian food, [CHUCKLES] Tausug food, Maguin
danao food, puwede nilang i-transform iyon
to make it as Maranao food. JOHN: Mahalagang elemento
ang kulay sa kulturang Maranao kaya't nangingibabaw ang dilaw
at pula sa kanilang pagkain. PROF. WADI: These colors
ay generally identified with the royals kaya hanggang ngayon, malakas iyong royalty
tradition nila. [ARABIC MUSIC] JOHN: Ayon pa
kay Professor Wadi, hindi nakabuo ng sultanato
ang mga taga-Lanao. -Traditionally, wala. Ang mayroon sa kanila, iyong sinasabing
"Pat a Pangampong." Extension
lang
ang Maranao royalty ng Maguindanao royalty. Sina ano ito,
iyong sina Sultan Kudarat and so on and so forth. JOHN: Pero naging bahagi na
ng tradisyong Maranao ang maghirang ng Bae A Labi. [MAN CHANTING IN LOCAL LANGUAGE] Pinipili at pinagbobotohan ng mga lider
ng Muslim communities kung sino ang magiging
Bae A Labi base na rin sa popularidad
at kakayahan nilang tumulong. At dito sa Muslim Town
sa Quiapo, hinirang ang kanilang
kauna-unahang prinsesa-- Si Hadja Noron. Taong 1976 nang dumating
siya
sa Quiapo. Katatapos lang noon ng giyera
sa Mindanao sa kasagsagan ng Martial Law. -Pagdating ko rito sa Manila,
siyempre nanibago ako. Sabi ko, "Napakaganda pala
iyong Manila. Malaki ang diperensiya
sa lugar namin." Siyempre, mapunta ako rito
sa Quiapo, katatapos lang nitong ano,
Golden Mosque. Ang imam dito na una,
iyong asawa ng kapatid ko kaya rito kami nanirahan,
dito sa Quiapo. JOHN: Ipinakita ni Hadja Noron
ang isinuot niyang damit nang siya'y koronahan. HADJA NORON: Ito iyong tinat
awag
na "langkit design" ng Maranao. JOHN: Anong ibig sabihin po
nitong disenyong ito? May ganito ho bang bulaklak
sa Maranao? -Oo, kasi ako, mahilig kasi ako
sa bulaklak, eh. JOHN: Oo.
-Kaya iyon. Sabi ko, lagyan na lang
ng bulaklak. JOHN: Si Hadja Noron
ang isa sa pinakakilala at pinakaunang nagtitinda
ng pagkaing Maranao rito noon pang dekada '90. -Malapit na iyang ulam? JOHN: Katulong niya rito
ang kaniyang anak na si June-Nairah. -Walang restaurant
kasi rito noon, maliliit, puro pater kami.
Kaya ako ang unang nagpatayo
ng restaurant na maliit kaya hanggang sa nakuha ko na
iyong malaki na restaurant. [PERCUSSIVE MUSIC] JOHN: Dumami nang dumami
ang mga pagkaing Maranao na kaniyang ibinebenta. -Pero ang pinaka-ano nila
iyong sabi niya, "Ang sarap ng piaparan na manok
at saka rendang." At saka iyong ginataanan
na ulo ng dalag, ginataan na ulo ng buhaw, iyong tinatawag namin
na "budi," iyong itlog ng isda. -Maliliit po siya na itlog
ng carpa pero nagkadikit-dikit. Bakit po nagkaganoon?
-Kasi nilagyan ng kulay. -Iyan na iyong turmeric.
-Na ano po iyon? Turmeric? -Kasi iyong sa amin, kapag ano,
parang malansa kasi. -Iyong lasa niya,
hindi sobrang anghang pero masarap siya
at kakaiba sa panlasa. First time akong nakatikim
ng ganito. -Kami talaga,
pinaka-ano talaga namin, iyong palapa talaga iyong
pampalasa namin sa ulam, eh. -Mm-hmm.
-Hindi talaga mawawala iyon sa amin. JOHN: Ang pangunahing sangkap
ng palapa ay ang sakurab o native scallions na iniluluto
ng halos apat na oras.
-So ito, John, tumutubo ito
sa may Lanao del Sur. -Okay.
-Sa bandang Marawi, so ipinadadala pa nila
rito sa Manila kasi iyong mga pagkain dito,
pansin natin, 'di ba, like iyong piaparan
at saka iyong rendang, may tinatawag iyan
na "palapa" na condiment. Iyong palapa,
parang sambal nila iyon o spice. -Ito iyong main ingredient noon.
-Ah. JOHN: Dito sa Quiapo matatagpuan ang pinakamalaking mosque
sa Maynila-- [RHYTHMIC VOCAL MUSIC] ang Golden Mosque. Itinayo noong 1976, kaya nitong magpatuloy
ng 2
2,000 na katao. [MAN PRAYING IN LOCAL LANGUAGE] Mahalagang bahagi ang mga mosque
sa pamumuhay ng mga Muslim. Sa panahon ng mga Amerikano, matapos ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, mas naging bukas ang Manila
para sa mga Muslim. Nauna na ang Indian Muslims na nagtungo rito
para magnegosyo. -Sinundan iyon ng mga tinatawag
nating "Pensionados." Ito iyong mga kabataang Muslim
noong araw na binigyan ng scholarship
ng American Colonial Government. So, pumunta sila rito
sa Maynila, nag-aral. So, naggr
upo-grupo sila
roon sa Indian Muslims. JOHN: Noong 1972, nang lumaganap
ang kaguluhan sa Mindanao, maraming Muslim ang napilitang
magtungo sa Maynila. Ang Quiapo ang isa sa nagsilbing
safe exit nila rito. -In the early days,
it was multitribal. May Maranao, may Maguindanao,
may Tausug, may Yakan, may Sama apart from the early
Muslim Indians. But later on, unti-unting
nagiging Maranao-dominated na iyong Quiapo. Na for them to survive, they really have to be good
in business, magtinda-tinda
ng mga
puwedeng pagkakitaan. And this became, eventually,
their tradition. JOHN: Sa matagal na panahon
ng pakikipagsapalaran ng mga Muslim sa Quiapo, hindi pa rin nawawala
ang diskriminasyon. -Masakit, siyempre,
pinakamasakit iyon sa amin. Kahit na wala kang kasalanan,
sinasabi na, "Ayan, ano na iyan,
Abu Sayyaf iyan." O kaya ano, iba-iba ang tawag, "Oh, Muslim iyan..." "Hindi iyan ano rito,
hindi tagarito iyan," ganoon, kaya siyempre nasasaktan kami. JOHN: Papaano ninyo po
ino-overcome iyong mga gano
ong klaseng
connotation? HADJA NORON: Siyempre,
kapag ganoon, hindi namin pinapansin iyon,
pinalalagpas namin iyon. Sabi namin, "Darating din
ang panahon na maiintindihan nila tayo." JOHN: Hindi lang titulo
ang pagiging prinsesa o Bae A Labi. Sila ang nagsisilbing
tagaprotekta ng mga kababaihan sa komunidad. Masasabing babaeng bersiyon sila
ng isang sultan. -Essentially, Maranao
is a patriarchal society. It's always male-dominated. Kapag ni-declare kang
parang Bae, isa kang respetadong
kilalang
Maranao leader. -Ano, kumusta ang ano mo? JOHN: Anim na taon ang termino
ng pagiging Bae A Labi. -Pinakaimportante sa akin
iyong kaming mga kababaihan na natutulungan namin. Oo, talagang importante iyon, iyong mga katulad ko
na mga babae na sa akin lumalapit. Siyempre, nasasabi ko iyong ano,
maganda na ipapayo ko sa kanila. [RIVETING MUSIC] JOHN: At dito ko nakita kung paano nagiging haligi
ng komunidad ang isang prinsesa ng Quiapo. [ETHNIC MUSIC] JOHN: Buong lakas at oras
ang ibinibigay ni Hadj
a Noron sa kaniyang tungkulin
bilang Bae A Labi. Kaya rin siya ang napili
para sa posisyong ito ay dahil sa mahabang karanasan
sa buhay bilang elder ng komunidad. Likas din daw matulungin
si Hadja Noron. -Mahirap kasi iyong trabaho pala
ng Bae A Labi kasi lahat ng problema,
nasasalo mo, eh. Mayroong uuwi sa probinsiya
na kulang sa pamasahe. Ganoon, maraming iyong problema
sa pagiging Bae A Labi pero Alhamdulillah,
kasi iyong barangay namin, iyong chairman namin,
nagtulong-tulong man kami. [SOFT
MUSIC] Fatima, oh, kumain ka na. Kumain ka ng ano. JOHN: May sugat siya sa paa
dahil sa sakit na diabetes. -Minsan binibigyan ko ng ano,
minsan sa umaga, tapos sa gabi. Dalawang beses ko siya
binibigyan sa isang araw. Lakasan mo ang kain mo
para gumaling ka. -Hindi lang ako
ang tinutulungan niya, lahat ng may kailangan
dito sa Quiapo, tumatakbo sa kaniya. JOHN: Kaakibat ng kaniyang
tungkulin ang pagpapanatili ng kaayusan
sa kanilang lugar. HADJA NORON: Grabe karami,
puro ano, puro... JOHN: Probl
ema?
HADJA NORON: Tanan, tanan. Mahirap kasi kapag itinanan
iyong isang babae na hindi ma-solve
sa isang araw na iyon, kasi patayan na iyon
kaya kailangan madalian. -Mm-hmm. So kayo po
iyong namamagitan sa dalawang pamilya? -Oo. Vilma! JOHN: Higit sa ano mang tulong
na kaya niyang ibigay, marahil pinakaimportante
ang pagpaparamdam ni Hadja Noron na hindi sila iba,
hindi sila nag-iisa. Dahil narito na rin ako
sa Quiapo... ipinagpatuloy ko na rin
ang pagtikim ng ipinagmamalaki nilang
mga pamanang
pagkain. Ang sarap, ano. Iyong tamis, iyong alat,
naghahalo siya. -Kanin na lang ang kulang.
-Yes. [PERKY MUSIC] JOHN: Mga hopia naman
ang dinarayo ng mga parokyano sa tindahang ito. ANNABEL: Yes, ito. Ang Kim Chong Tin
ay nag-start siya, 1927. Until now, the same area,
the same owner, that's fourth generation na
ang owner nito. Mainit, sir. [LAUGHS] -Mainit pa nga. -Iyan naman, mayroon siyang
smoky flavor. -Kakaiba-- Marami na akong
natikmang monggo na hopia pero may kakaibang factor talaga
na
nagpapasarap sa kaniya. JOHN: Mula man
sa magkabilang bahagi ng Quiapo sina Hadja Noron at Annabel, ipinagtatagpo naman sila
ng iisang hangarin. -Para sa akin, ang pangarap ko na madagdagan pa
ang kagandahan ng Quiapo. At saka iyong mga tao rito, maging matagumpay
sa negosyo nila para gumanda ang Quiapo. -From dalagita pa lang ako
hanggang ngayon, narito pa rin ako sa Quiapo at ang pagmamahal ko
sa mga pamana ng Quiapo. At gusto ko ring
pangalagaan iyon, so I'm passing it sa mga bata,
sa itini-t
rain ko ngayon. Iyong sa akin na lang,
iyong legacy ko na mayroon akong-- may ambag ako sa pagpapaganda
ng imahe ng Quiapo. JOHN: Sa pagbisita ko sa Quiapo, nakita ko
ang dalawang mukha nito. -Forward po tayo, forward. JOHN: Parehong hinubog
ng magkaibang relihiyon ang kanilang kultura
at tradisyon. Kung sa ibang panig ng mundo, hidwaan ang resulta
ng hindi pagkakaunawaan at pagkakaiba
sa pananampalataya, iba ang sitwasyong
nasaksihan ko rito. -Dito sa Quiapo,
buhay na buhay iyong tolerance, iyo
ng parang kahandaan ng Christians and Muslims
to live in the same space. So, masasabi natin
na mayroon tayong Quiapo na pupuwedeng ipagmalaki na kung saan magbabago ito
ng stereotypes. JOHN: Dito, pinatunayan nilang
mayroon mang pagkakaiba, hindi imposible ang magkaisa. Mula rito sa Quiapo, Maynila, ako po si John Consulta,
at ito ang I-Witness. [UPLIFTING MUSIC]
Comments
Salamat sa inyong makabuluhang mga segments gaya Ng Isang ito😊 mas masayang humarap sa hamon Ng Buhay Ng may pagkakasaisa sa kabila Ng magkakaibang paniniwala. Mabuhay Tayong lahat Ng may respeto sa ating kapwa salamat Po Ng marami😊
Napaka gandang dokumentaryo para sa mga kristiyano at muslim, Mabuhay ka John Consulta👏👏👏
Suki namin dati sa prutas dito sa divisoria si nanay isa na pala siyang Princesa ng Quiapo sobrang bait ho niyan... Congrats Nay🎉❤
Alhamdulilah
Noong nasa Elementarya palang ako, nakakapunta ako sa Quiapo dahil isinasama ako ng aking Tatay para magsimba sa Nazareno. Tapos noong High School, nagpupunta ako d'yan para sa mga CD, noong College madalas ko naman madaanan 'yan at ngayong Pamilyado na ako, gusto kong pumunta d"yan dahil sa mga masasarap na pagkaing napapanuod ko. Pero, Quiapo will always be Quiapo, magbago man ang paligid, mga tao at mga tinda dito. Maraming kasaysayan ang nangyari at mangyayari pa dito. Ang nakakatuwa, hindi nagbabago ang pagkanlong ng lugar na ito sa mga taong gusto lang dumaan, maghanapbuhay, mag-aral, manirahan at manampalataya ano man ang paniniwala. Nawa'y ang bawat lugar sa bansa ay maging gaya ng Quiapo, na ang lahat ay halos magkakasalamuha, magkakapantay-pantay at hindi maghihiwalay. Magandang araw po sa lahat ng Pilipino mga Paps. 😊
Favorite place namin ng asawa ko dito. Hindi ko alam.pero sobrang gaan lang pag pumupunta kmi ng asawa ko dito. QUIAPO and BINONDO wala kming sawa halos linggo linggo nag pupunta kmi. Pag stress kming dalawa dito kmi nag pupunta sisimba at foodtrip lang ❤❤❤❤ Iba yung Quiapo samin. ❤ kahit yung sa Musliman dati unang pasok ko natakot ako pero mababait sila lalo foods nila na Pastil at Beef Bulalo. Solid sa Yayay Pater ❤️👌🏻
Grabe kc dyn iba ang ambiance nakaka bighani prang gusto mung ulit ulitin pumunta dyn
Enlightening ❤
Good job... Ang Ganda ng documentary na ito...
Nice! Kudos I-Witness and John Consulta for this very informative docu.
Proud batang Quiapo aq! Dyan aq namulat at lumaki kya mlaking kontribusyon s pag hubog ng pgkatao ko ang kinagisnan kong lugar. Brings back childhood memories batang Concepcion Aguila ...
Dapat proactive na tulungang i-improve ng Manila Government ang lugar na to sa Quiapo dahil malaki ang potential for food tourism.
ganda ng dokyumentaryo na to...Respect sa prinsesa ng quaipo!
Sana regular nyong kinukuha ang mga nababarang basura sa gilid ng Mosque 17:08
lagi kaming nadalaw sa quiapo lalo na nung nag college ako sa ubelt. never ko na experience bumisita dito. mukhang masasarap yung pagkain nila. siguraduhin ko makakain dito pag balik ko ng pinas. 😋
Wow. Thanks for this. Is an eye opener for me.
napakasarap ng pagkain jan....at ang ganda ng bigayan ng shabj jan...panalo
Quiapo will always hold a special place in my heart. Dito kami huling nagsimba ng mama ko together before she passed away nung 2022.
Mapuntahan nga nmn yang Quiapo next time sa pagpunta ko sa pinas. Maraming salamat sa inyong pagshare
❤❤❤❤❤