Main

FPJ Restored Full Movie | Agila ng Maynila | HD | Fernando Poe Jr.

Restored Full Movie of Agila ng Maynila (1988) a Classic film by Fernando Poe Jr., the King of Philippine Movies. Title: Agila ng Maynila Year: 1988 Genre: Action Directed By: Pablo Santiago Story By: Leonardo B. Sangalang, Ronwaldo Reyes (FPJ) Screenplay By: Pablo Gomez Starring: Fernando Poe Jr., Vic Vargas, Encar Benedicto, Paquito Diaz, Vic Diaz, R.R. Herrera, Lito Anzures and Dencio Padilla About the Movie: A vigilante is hunting down criminal elements in the streets of Manila. Follow us on our social media accounts for more updates: Instagram: https://www.instagram.com/fpjproductions Twitter: https://twitter.com/FpjProductions Facebook: https://www.facebook.com/FPJProductionsInc TikTok: https://www.tiktok.com/@fpjproductions SUBSCRIBE for more exclusive videos: https://www.youtube.com/@fpjproductions #FPJ #DaKing #AgilaNgMaynila #FernandoPoeJr #FreeMovies #FPJMovies

FPJ Productions

2 months ago

Halika! Dahan-dahan. Oh, (dahan) Oh. Dahan-dahan lang ha. Lakad! (lakad!) Huwag. Maawa ka sa akin. Parang awa mo na. Ito oh, Dalian niyo. (Ginagabi na naman tayo oh.) Sige lang. (Buti na lang walang kalaban.) Bagal-bagal. Halika na. (Teka lang,) Bilisan mo. (Bagal-bagal mo eh.) Pare! dalian niyo. (Baba, Dali!) Tara! Dali! (Tara hoy!) Teka, tao yun ah. Oo nga. Halika baka masabit tayo. Sinabi ko na sayo, (bye) Sigurado babalik kami rito. Babalik ka ha. Oh, ingat ka na lang diyan ha. Sige. Oh, tar
a tara tara. Tara chill tayo. Tara. Wilson. Sandali. Hindi ba yan si Tinyente Reyes? Oo nga. Buhay pa pala. Akala ko ba wala na yan? Tignan mo nga naman buhay ng tao noh. Nag mukhang engot na rin. Halika! Laruin natin. Subukan naman natin manggulpi ng dating pulis. Bagsak si Tinyente Reyes. Ano ito?! Mama po nakita po namin, Binubugbog eh. Naawa nga po kami, Kaya po inuwi namin. Naku ang mga batang ito. Sa uulit.. huwag kayo basta dadampot ng tao. Baka mamaya kung ano mangyari sa inyo ha. Sabi
ko sayo Pepe, Huwag na natin kunin eh. Ehh.. kawawa naman eh. Huwag na kayo magsisishan. Tutal nandito na rin lang ito. Sige! Tawagin mo si Domeng. Oho. Oh.. Gising na ba yung, inuwi niyong tao? Hindi pa po Lo. Pero iniwan ko po, ung kape sa kanya. Kawawa naman po eh. Bugbog sarado. Oh sige kumain ka na. Sige. Alam mo Lo, Kagabi, Habang namumulot kami ng basura, May dalawang patay. Tinapon. Minsan naman, May isang babae, Inagawan ng bag. At saka sa loob ng simbahan mismo. May binaril. Patay! Sak
a dito sa atin, Si Mang Badong, Tinatakot lahat ng mga bata. At Saka, Tinuturuang magnakaw. Saka suminghot ng rugby. Hoy Pepe, Huwag mong problemahin, ang nangyayari sa mundo. Hindi kaya ng utak mo 'yon. Basta't, tayo'y nabubuhay ng marangal, At nakatutulong sa kapwa, Eh sapat na 'yon. Lo, bakit sila ganon? Ang lahat ay may katapusan. Pag sobra na sama ng tao, May darating na isang bagay, Na tatapos sa lahat ng yan. Ano pong bagay? Ah.. tulad ng... Tulad ng... Eh, palagay na natin. Halimbawa, Ah
.. Isang agila. Agila Lo? Oo. Ba't naman agila? Eh kasi nga, Ang agila ang pinaka mabagsik na ibon. Kahit na anong taas ng lipad niyan, Ay nakikita niya, ang nangyayari dito sa lupa. Kaya, Kapag ka sinibad ka ng sisid niyan, Ay humanda ka. Dadagitin ka niyan. Ganun ba Lo? Ang agila, ang dadagit sa masasamang tao? Oo. Ganun na nga. Pero ako Lo, Di ba? hindi ako dadagitin ng agila, Kasi mabait ako eh, di ba? Hindi lang mabait, Masipag pa. Kaya ikaw, Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Ah hindi po. Ha
nggang may basura Lo, Hindi ako, mawawalan ng pag-asa. Saka, ako pong bahala sa inyo. Yayaman rin po tayo. Sana nga. Sana nga! Kamusta kayo mang Pablo? (Ay Aling Gina, kamusta?Ngayon ka lang ah) Aling Emily, Kamusta na? Good morning, Aling Antonina. Good morning, Lolo Intong. Hi, Gina. Ang aga mo ata ngayon ah. Kasi ho, kukumustahin ko pasyente natin eh. Magaling na ba siya? Ahh.. ayan na pala eh. Magandang umaga sa inyo Mang Intong. Oh.. Kamusta ang pakiramdam mo? Eh.. Mabuti ho. Ah.. Salamat h
o sa pagtulong niyo sa akin. Kahit, Hindi niyo ko kilala, Eh.. Dinamayan niyo ho ako. Ang apo ko ang pasalamatan mo. Si Pepe at kanyang barkada. Siya ang nag-uwi sa iyo rito. At ako rin. Dahil ako ang nurse mo kagabi. Ah.. salamat sayo ah..? Ako si Gina. Salamat Gina. Ako si Mauro. Eh.. nakatuwaan lang ako kagabi eh. Talagang, iba matuwa ang tao ngayon ano? Ah.. Pepe, Salamat uli ha. Balang araw makakaganti ako sayo, At sa barkada mo. Ok lang yon. Aling Pilar. Yung abuloy? Mukhang hindi ko gusto
ang naririnig ko ah. Naku Lolo Intong, Sira na naman ang araw natin. Nandiyan na naman si Busangol. Gina! Nandyan ka pala. Susuwertehin na naman ako. Kapag ikaw ang una kong nakita. Ehh.. maganda buena mano ko. Oh Mang Intong. Yung abuloy? Oh sino nanaman ang namatay? Yung kaibigan ko. Yung kapitbahay natin. Kawawa naman kayo Mang Badong, Ubos na lahat ng kaibigan niyo, Araw-araw may namamatay. Hoy! Tumigil ka ha, Baka gul..! [Dodong, Dodong.] Pasensiya ka na mahina ang kita ng apo ko. Oh sino
naman ito? Oh ba't nagkaganyan yang mukha mo? Ha? nabangga ka sa truck? Ha? Ha? Ha? Ha? Gina. Mamaya ah. Ah.. Mang Intong, Tutuloy na ho ako. Maraming salamat ho uli. Oh, Siya sige. Pero, Babalik-balikan mo naman kami dito ha. Pangako ho. Pepe, Gina. Ingat ha. Oo. Panyero naman, Binastos mo ako roon. Ano ba nangyari? Meron palang raid. Hindi mo manlang ako tinimbrihan. Baka hindi mo alam, Kung ilang million ang nawala sa akin roon?! I lost million Panyero! Millions! Dapat mo lang ako, bigyan ng
proteksiyon! Hindi maliit na halaga ang binibigay ko sayo at mga bata mo. Bigyan mo naman ako ng konting kunsuwelo! Sige! Aasahan ko. Tinutukan akong ganyan, Binali ko ng kanan. Binigyan ko ng kaliwa. Bagsak. Tinuluyan mo Emong? Pinatawad ko. Naglulumuhod, umiiyak. Saka bata, Kumusta naman ung mga chikas? Basta't chikas kabayan, Busog na busog. Punong-puno. Basta dumating, Ang alas tres ng madaling araw, Haha Mamumulot ka ng bulaklak sa kalye. Hahahaha! 'Hoy! Emong. Totoo nga bang? Nisakay mo si
Mang Poleng, Kasama yung asawa ni Mang Doro? Na dinala mo sa motel? Salbahe, Bunganga nito ah. Oyy, Alam niyo mga kabayan, Kaming mga taxi driver, Meron din naman kami nung tinatawag na, code of honor. Parang sa bahay kumpisalan, Kung ano ang sinabi sa pari, Wala ng makakaalam niyan. Ganun din kami. Ano man ang mangyari, Sa loob ng taxi namin. No comment and no utang. Ha! Sandali lang kabayan. Bilang ko yan ha. Nakakaapat ka na. Ha! Babalikan ko kayo, Oh.. Mauro. Bakit puro pasa mukha mo? ano n
angyari sayo? Napaaway ka ba?! Hindi Emong. Wala ito. Kumain ka na? Oo. Baka, Meron ako maitutulong sayo? Wala Emong. Salamat. Tagal mo naman Pepe. Baka maubusan tayo ng bagsak niyan. Ehh.. may inutos pa ang Lolo eh. Wow! Hello! (Ang ganda niyo ngayon Aling Gina.) Siyempre. Pagkumagat ang dilim, Kailangan maganda ko. At pag ako'y sinuwerte, May balato kayo sa akin. Salamat po Aling Gina. Sana po, Kumita rin po kayo. Sige po. Tuloy na po kami. Patay! Kalaban. Aling Gina. Tignan mo nga naman ang t
ao. Kapag minamalas. Ah! Ano ba?! Masakit eh! Hmm.. (Ah..) Bakit pag gumagabi? Pabata ka ng pabata, Gumaganda pa. Sikreto ko na yon! Impakto ka talaga ano?! Huwag mo nga ako buwisitin ha. Kailangan ko kumayod, Dahil tatlong buwan na akong hindi nakakabayad sa bahay! Sige! Halika! (H**** ka!) Dali! (Aray ko.) Huwag kang pumalag! (Bitiwan mo ko!) Sige! (Ikaw talaga, Aray!) Oh! Daddy! Daddy, Daddy! (Hi!) Daddy, Ang pasalubong po namin? Eh, Anak! Nakalimutan ko eh, di bale mamaya na lang ha. Kahap
on nakalimutan niyo rin po eh. Ganun talaga eh, Sige mamaya mag-aral muna kayo sige. Oh.. Dumating ka na pala. (Hi.) Oh.. Gusto mo na kumain? Ah.. Huwag na. Papahinga na muna ako. Oh bakit ka nga pala pinatawag ng C.O mo? Tungkol dun sa, Unsolve namin na hawak na kaso. Yung rapist. Kuya? Oh! Ang sinasabi mo ba ung naka frontpage kanina? Oo, yung dalawa na biktima na hindi pa nahuhuli. Oh wala pa ba suspek doon? Wala, Ni-lead wala nga kami eh. Pero. Meron siyang pattern. Ibig sabihin meron siyang
... paraan ng pagpatay iisa. Kaya naniniwala kami na, Isang tao lang gumagawa ng pagpatay. Kaya ikaw Ninya, Kung ginagabi ka, Huwag na huwag kang uuwi mag-isa. Kung medyo alanganin na, Tawagan mo ko sa presinto. Ihahatid kita. Oh kaya kung makakasabay ka sa mga kasama mo sa opisina. Mas magaling kung maihahatid kita. Eh puro babae kaming naroon eh. Meron nga kami kasama lalake eh, Yung supervisor Babakla-bakla naman. Basta't mag-iingat ka ha. Sige kuya. Oh magpalit ka na ng damit para makapahing
a ka na. Rose, sige init mo ulam natin. Mauro. Gising ka papala. Oho. Oh sige. Oho. Oh.. Huli ka na ngayon. Tago ka ng tago eh. Magbabayad ka ba ng utang o hindi? Nagbabayad naman kami ah. Ang laki na nga ng ibinabayad namin sa inyo, Puro tubo na nga lahat ng binabayad namin eh. Niloloko mo kami ah. Ikaw! Puro ka pangako ng pangako! Saklolo mga kapitbahay! Mauro! Mauro, tulungan mo kami. Tulungan niyo kami! Tulong! Mauro, Hayop ka! Mauro! Kitang kita mo nangyari. ha, Hindi mo kami tinulungan. An
ong klaseng tao ka?! Duwag! Duwag! Duwag ka! Reyes, Ginawa ko na lahat ng paraan, Para ma-clear ang pangalan mo. Pero, Wala akong magagawa. Dalawang daang libong piso ang ninakaw sa banko. Pero, Sa sinabmit na report, Isang daang libong piso lamang ang naibalik. At yung nawawalang isang daang libong piso, Ay nakuha sa locker mo. Sir. Alam niyo naman, Na ang lahat ng yan ay isang frame-up. Reyes, Mabigat ang ebidensiya laban sayo. Isa pa, Mula ng mamatay ang iyong pamilya, Sa isang aksidente sa e
roplano. Ay naging pabaya ka sa iyong tungkulin. Marami akong report na tinatanggap tungkol dito. Makabubuting, Magbakasyon ka muna. Andiyan na! Oh! Mauro. Bakit? May kailangan ka? Emong, Mas matagal ka sa lugar na ito kaysa sa akin. Alam mo ba ang dahilan? Kung bakit pinatay ang asawa ni Aling Lita? Ba! Bakit mo naman naitanong yan? Gusto ko lang malaman. Eh, ang pagkakaalam ko diyan eh, Sa pautangan eh. Yun bang five six. Eh binantaan na si Rico niyan eh. Eh hindi makabayad, Ayun tinimbog. Mal
upit yang pautangan na yan. Sobrang magpatubo. Tubo na patutubuan pa. Saan ko matatagpuan ang mga taong yon? Mga tao ni Oyong yan. Mauro huwag ka ng makialam diyan. Saan ko sila matatagpuan? Sinong kailangan mo? Nandiyan si Oyong? Wala rito eh. Ahh.. Kung mangungutang ka, Bukas ka na lang bumalik dahil hindi kami nagpapautang sa gabi. At saka hindi ka namin kilala eh! Sino ba garantor mo? Si Mang Rico. Rico? Sinong Rico? Ung asawa ni Aling Lita. Eh patay na gagarantor sayo eh. Paano ka pa makaka
utang? Hindi naman ako naparito para mangutang eh. Eh ano pinarito mo? Para, maningil ng pautang. Kayo nakita ko pinatay nyo si Mang Rico. Hi! Good morning girls.[Hi, Good morning!] Sorry ha, Late ako. Aba! tinanghali ka yata Nemia? Oo nga ho eh, Puyat ako. naglaba pa ko, Namlantsa. Bakit kasi ayaw mo pa mag asawa eh. Ano naman ang kinalaman ng lalake, (Naku ha.) Sa trabaho sa bahay? Aba, 'Di siya gawin mo na taong bahay. Taga luto, Taga laba, Taga pamili, habang ang beauty mo naman ay naghahana
pbuhay. Meron bang papayag ng ganon? Aba! Meron. Meron? Sino ho? Edi, Supervisor natin. Si Buchi. Si Buchi? Alam mo, Sasakit ang tiyan ko sa kakatawa. Nakita niyo naman ang lalakeng yan. Ni hindi nga makabasag ng pinggan eh. At hindi makalakad ng walang alampay. Anong alampay? Yung scarf niya sa leeg? Ay oo, At sa pakiwari ko taga silahis. Anong silahis? Nangbusbuska yang si Nita. Ang ibig sabihin ng silahis, Ung bang may banto ng pagkababae. Yun bang, Half, half. Pinaganda lang Kayo talaga. Goo
d morning girls! Good morning sir! Good morning sir. Yan! Yan, Ang Atmosphere ang gusto kong dinaratnan dito sa aking opisina. Lalo na't kung Monday morning. Masasaya ang lahat. Well, Well, Well. You look at yourself, You look so fresh. You look so fresh on this beautiful Monday. (Thank you sir.) At siyempre, Kung masaya ang simula ng araw. Matatapos ito ng masaya. And that is good. That is good for our business. Right ladies? Right sir. Ah, Mrs. Arce. Dahil sa maganda ang simula ng ating araw,
Bibigyan ko kayong lahat ng insentibo, Mamayang hapon, Iti-treat ko kayo ng ice cream cake. So get ready, I'll see you. Okay? Thank you sir. (Bye girls) Ice cream at cake. I'll see you later. Yes sir. Magandang araw sa inyo Mang Intong. Magandang araw naman sa'yo, Mauro. Hindi ka nakalimot, Tumupad ka sa pangako. Ginulat niyo ko Mang Intong, Boses ko lang narinig niyo eh... Tiniyak niyo na kung sino ako. Ah, Yung mga bata ho? Ay, Hindi natitigil ang mga yon. Hanggat may basura, naglilibot yon. K
asi ho eh, May kaunti ho akong pasalubong para sa kanila. Kayo na ho sana, Bahalang magbigay sa mga bata. Naku, Matutuwa si Pepe at kanyang mga kasama. Sandali lang ha. Ah, Mang Intong, Tuloy ka Mauro. Kamusta naman kayo Mang Intong? Dati rin. Paminsan-minsan, nakakatulong sa mga bata. Ah.. Maiba ho ako. Saan ko ho ba matatagpuan, Yung taong tinatawag niyo na Mang Badong? Ahh.. Si Busangol? Bakit mo naman naitanong? Wala ho, Meron lang nakikiutang na loob. Na naghahanap gusto siya makausap. Ehh.
. Diyan lang sa kabilang looban nagtitigil yan eh. Salot yang taong yan. Kung ako sayo hindi ko na siya dapat pang intindihin. Tabi kayo. Tabi, Tabi. Sir! Sa loob. Sir! Sir! Anong nangyari? Tatlo patay sir. Panay sa noo ang tama. Bahala na kayo diyan. Sige dalahin na yan. Dun Tayo. Sandali lang Kapitan. Wala na ba kaming proteksiyon at kaligtasan? Mga tauhan kong walang kasalanan pinatay. Aba Kapitan, gumawa ka ng aksyon. Nang hindi mawala ang tiwala ng mga tao sa pulisya. Alalahanin mo! Na sa a
min nanggagaling ang sinusuweldo sa inyo! Anong walang kasalanan?! Hindi mangyayari ito, Kung hindi sa uri ng hanapbuhay mo. Anong ibig mong? Huwag na tayong maglokohan! Alam mong madaming galit sayo. Pasalamat ka, Mga tauhan mo lang dinali. Ah.. Mister, puwede ho bang malaman pangalan niyo? Ah.. Hindi! Sorry ha. Hoy! Ba't ganyan nangyayari sa inyo?! Ba't kokonti kinikita niyo?! Ha?! Hindi niyo ba alam? Na kapag maganda ang trabaho niyo, Eh maganda rin ang dalang rasyon sa inyo. Ha. At ito. Ita
nim nyo sainyong kokote! Huwag niyo ko lolokohin! Huwag niyo ko ooncehin! Oh, Kayong dalawa, halika, halika! (Aah..) Dito. Iha, Ilang taon ka na? Dose lang po. Ikaw?! Dose rin po. Huwag kayo masyado magpapataba ha. At malapit ko na kayo, isalang. Mag ayos-ayos kayong mabuti ha. Para ah .. Alam niyo na yon. Sige maupo kayo. Halika! Hindi ba't Dalawang relo, ang nadali mo kahapon? Opo. Asan yung isa? Binigay ko po sa nanay ko eh. Halika! Ba't don mo ibibigay? Dapat sa akin mo ibibigay. Ha! Solo, H
alika! Buksan mo yung pinto. Suspendido ka na! Sige pasok, Dyan! Oh, kayo! Ito, Makinig kayo.! Sino ang hari niyo rito? Kayo po. Ah.. Kanino ninyo, ibibigay ang kinikita niyo? Sa inyo po! Magaling. Kaya, pagbutihin niyo pagtratrabaho. Ha! Sige, magsipag kayo. Para malaki, ang bibigay ko din sa inyo. Ha! Oh, sige, labas na. Sige, sipag ha. Huh! Suspendido kayo! uy ikaw bata! Nakalimutan na kita ah. Teka, Kilala kita ah. Hindi ba ikaw yung taong? Nabangga ung mukha sa truck? Hanga ako sayo Badong.
Lumalakad ka ng nag-iisa. Bakit naman hindi? Malinis ang kunsensiya ko. At saka, wala ako atraso sa mundo. Ano ang dapat kong ikatakot? Walang atraso? Hindi ka kinilabutan sa sinabi mong yan? Alam mo bang wala kang karapatan mabuhay? Pare ko. Sino naman ako para kainitan mo? Wala naman akong atraso sa'yo ah. At saka, Small time lang naman ako ah. Barya-barya Sisiw lang ako, pare ko. Kagaya ngayon, Going straight na ko. Bitiwan moko. Bitiwan moko, hayop ka! Ha, Hayop ka! Bitiwan moko! Hayop ka!
Ah, sandali, Nenita! Walanghiya ka! Bakit mo nagawa sa akin yon?! Nirerespeto pa naman kita! Idedemanda kita! [Stop crying.] Stop it! [Idedemanda kita!] Idedemanda kita, hayop ka! Ano ba?! Huwag mo ko hawakan! Huwag kang maingay, huwag kang maingay. Lahat ng gusto mo, ibibigay ko sayo. Huwag ka nang umiyak. Huwag ka nang umiyak. Pangako ko sa'yo ito. Hindi na mangyayari ito, O mauulit pang muli. Mina! Andeng! Hay naku, alam niyo merong magandang balita sa inyo. Si Badong Busangol, Tigbak na! Bak
it po Aling Gina? Alam mo ba si Badong, Patay na! Ha?! Si Badong patay na?! Oo, totoo. Yehey! Lolo! Lolo! Si Badong Patay na! Lolo! Lolo! Lolo! Lolo! Lolo! Aling Iska! Si Mang Badong Busangol, tigbak na! Ganun ba? (Oo) Pepe! Lo! Ano ba yon? Lo, eh si Mang Badong po patay na. Hindi ba 'yon ang sinabi ko? Lahat ng sinulid ay may dulo. Dumating na si Badong sa dulo ng kanyang landas. At lahat ng kanyang kinulimbat, Ay isinuka niya. Ibig mo sabihin Lo, nadagit na ng Agila si Mang Badong? Siguro nga
. Dinagit ng Agila ang isang masama. Edi Lo wala ng mangbabakal ngayon? Si Mang Badong naman ang bibigyan nati ng abuloy. Pero sino kayang Agila ang dumagit sa kanya? Ewan ko lang. Sandali lang Lo ha. Babalita ko muna kila Tikboy. Ewan ko lang. Pero, Iisang Agila lang ang, Dumapo sa aming pugad. Naroon ako ng mga oras na 'yon. Ano kamo? Ah. Wala. Alam mo Mauro. Simula ng mapatay yung asawa ni Aling Lita diyan noong isang gabi. Parang nag iba ka na rin. Maayos ka ng magdamit ngayon. Hindi mo na p
inababayaan ang katawan mo. Parang nagbago ang pananaw mo sa buhay. Hindi lang dahil sa nangyari yon kaya ako nagbago. Nakita ko ang pagsisikap ng tao. Na mabuhay ng marangal. Kahit hirap na hirap. Hindi sila nawawalan ng pag-asa. At ang iniisip ko Ay kung paano sila uunlad. At mahango sa kahirapan. Alam mo ba Mauro? Yung taong pumatay sa asawa ni aling Lita'y patay na rin. Aalis muna ako Emong. Meron pa kong lalakarin eh. Mauro. Ingat lang. Alam mo nabigla talaga ako sa nangyari eh. Binati niy
a pa ako sa opisina eh. Magkasama nga kami sana. Na uuwi. Eh.. Nag overtime naman ako. Kung nagkataon pala'y kasama rin ako. Kawawa naman si Nenita ano? Napaka buti ng aking anak. Ngayon wala na siya. Pinatay ng isang kung sinong walang puso. Sir, pinakikilala ko po sa inyo ang parents ni Nenita. Mother po niya. Misis. Supervisor po namin. Nakikiramay po ako sa inyo Misis. Kuya. Siya ang mother ni Nenita. Nakikiramay po ako. Kapitan, nahuli na ba ninyo ang kanyang salarin? At ang supervisor nami
n, si Mr. Butch Arriola. Kamusta ho kayo? Ah, meron na ho ba kayong nakuhang lead tungkol sa kasong ito. Malapit na. Castro! Si Belo dumadating. Dumadating si Mr. Oyo. Magandang umaga ho, Mr. Oyo. Ehh.. Ano ho bang kailangan niyo? Kumilos ka ngayon din Castro. Hantingin mo ung mga taong pumatay sa ating mga bata. Pag pinabayaan mo yan, Hindi na tayo rerespetuhin. Pati ang ating negosyo magkakaroon ng epekto. Mr. Oyo, Baka naman ho pinakikialamanan tayo ng kabilang panig. Eh.. Si Celsong Pusa eh
pareho rin ho natin noon eh Hindi mangyayari yan. Meron kaming usapan tungkol sa bagay na yan. Walang makikialam sa kanya-kanyang sektor Ang pinagtataka ko lamang noong mapatay si Mang Rico Biglang may gumanti sa atin agad. Sino yon? Yan ang gusto kong malaman. Ako ho ang bahala riyan Mr. Oyo Kapag nalaman mo, Itumba mo agad. Malaking perwisyo yan sa ating negosyo. Ah.. Kilala niyo naman ako magtrabaho. Hindi umaalis ng hindi tapos. Oh sige. Ah.. Sandali lang. Eh? Oh.. Saka na natin pag-usapan a
ng bagay na yan. Sige. Mang Mauro, Salamat nga po pala sa siopao na dala niyo. Ang sarap eh. Oo nga ho pati kami nakatikim din. Ah.. Mabuti naman at nagustuhan niyo. Eh.. Nung pumunta ako sa inyo hindi ko kayo inabot eh. Alam niyo naman po itong trabaho namin eh. Walang oras. Oo nga ho Mang Mauro. Hayaan niyo. Pagdaan ko ulit sa inyo, Kakain tayo sa restaurant. Talaga ho Mang Mauro? Talaga. Sige ho, Kailan ho kaya para mapaghandaan ko? Ngayon palang eh hindi na ako kakain. 'Di namatay ka sa guto
m. Mang Mauro, Diyan po namin kayo nakita nung gabing, Binugbog kayo. Diyan ba? Oho. Ah.. Mauna na kayong umuwi. Susunod na lang ako. Meron lang akong titignan sa loob. Teka teka teka teka teka. Bakit tayo huminto? Sa tingin ko Babalikan ni Mang Mauro yung Bumugbog sa kanya. Sigurado ko't maghihiganti yon. Edi pag nabugbog ulit si Mang Mauro, Edi nahirapan na naman tayo sa pagbuhat sa kanya. Sundan natin! (Tara!) (Halika!) Sabi ko na sa inyo masuwerte tayo kagabi eh. [Oo nga.] Eh sugal lang yan
eh Oh sige oh. Saan? Hindi natin suwerte ngayon. Tara pasok tayo. Oy, ayun oh. Uy intayin niyo naman ako oh sandali lang ha. Oo sige. Ah.. Girls, I'm very sorry. Pasensiya na kayo talagang ganyan. Paminsan-minsan naiipon ang trabaho. Pero kailangan tapusin. I'll go ahead. Babayu! Bye sir. Good night. Good night. Sir? Sir, akala ko ho nauna na kayo umuwi kanina? Eh.. Meron kasi ako dinaanan doon eh. Ah.. Hatid na kita? Oh.. Huwag na ho, baka sunduin ako ng kuya ko eh. Maaga pa hatid na kita huwa
g ka nang mahiya. Come on Halika na. Dalian mo naman day baka mamaya masira pa ang beauty natin dito, Halika na. Susmaryosep come on let's go. Sige na nga. Nemia sandali. Huwag ka umalis. [Walaghiya ka!] Mag-usap tayo. Walanghiya ka! Bastos ka! Ginagalang ka pa naman namin. (Maingay kang babae ka ha,) Walanghiya ka! Walanghiya! (Sinabi ng bumalik ka sa kotse, Bumalik ka don!) Balik! Aray ko! Akala mo makakaalis ka sa akin?! Ha! Bumalik ka doon sa kotse sabi! Pumasok, Pumasok ka ron! Nemia! Tama
hinala ko. Magmula ng makita kita sa burol, Sinundan na kita. Hinintay lang kita magkamali. Ngayon nagkamali ka. Ang ibig niyo sabihin supervisor niyo yon? Nemia! Kuya! Kuya! Kuya. May nangyari ba? May nangyari ba?! Wala kuya. Mabuti na lang may dumating na taong, Tumulong sa akin. Yung tumulong sayo, Nakilala mo ba? Hindi na. Sa takot ko, hindi ko na siya namukhaan. Sarge, Ah.. Ayon sa imbestigasyon namin, Ang tira'y eh katulad din ng sa junk shop. Sa noo rin ang tama. Mauro Reyes. Tinyente Ma
uro Reyes. Sir, Sino yung Tinyente Mauro Reyes? Dating opisyal, Dati kong kasama. Hindi ba matagal ng wala sa serbisyo yon sir? Mula ng mamatay ang asawa at anak niya sa aksidente sa eroplano. Naging palaboy-laboy. Wala ng gana sa buhay. Lahat ng kanyang napatay, Ganoon ang tama. Tuazon! Sir! Gusto ko alamin tungkol sa kanya. Hanapin niyo siya. Yes sir! Sa akin mga order ng bata. Mang Mauro ang dami po nito nakakahiya po sa inyo. Hindi ah.. Ayos yan, paminsan minsan lang, oh doon kayo umupo ha.
Napaaga ho pasko namin Mang Mauro. Okay. Ah.. Magkano ho? Otsentay siyete ho. Para tayong tumama sa Sweepstakes. Kumuha ka ng tinidor pre. Naligo naman ako kanina, eh Ako rin eh, naligo. kahiy ako rin naligo eh. Oh ako na rin. Mang Mauro, Hindi po ba kayo kakain? Ah tama na sa akin itong kape. Nagmemenos po yata kayo eh. Anong nagmemenos? Eh.. Kasi po kami lang po pinakain niyo. Kayo po kape lang. Eh.. Baka po wala kayong pera. Hindi kumain na ko. Busog na ko. Hoy Erik! Dahan-dahan subo, baka ma
impatso ka diyan. Allan, Huwag nga kayong gumawa ng eksena sa harap ni Mang Mauro, Nakakahiya eh. Pinapakain lang naman niya yung mga alaga niyong bulate. Mauro, tara sandali lang. Sandali lang ha. Mang Mauro, Bayad na ba ito? Bayad na yan. Baka kako hindi pa bayad eh. Kami ang pagbayarin mo, Eh wala rin naman kaming pera. Bayad na yan. Mauro, may mga taong nagpunta sa atin. Aalialigid para bang nagmamanman. Sino raw yung mga taong yon? Si Castro. Yung kanang kamay ni Oyo. Naku tinatakot ang mga
tao ro'n. Pinipilit alamin, Baka raw merong nakakaalam tungkol sa pagkamatay nung, Mga tauhan ni Oyong doon sa tambakan ng segunda mano. Kumain ka na ba? Hindi pa nga eh. Halika. Mauro Reyes? Ako nga. Sir, pinaiimbitahan po kayo sa akin ni Kapitan Labrador. Kung maaari daw ho kayong makausap? Sir! Ito na po ung pinatawag niyo. Patuluyin mo. Reyes, Kapitan. Mabuti naman at ah... pinaunlakan mo paanyaya ko. Salamat naman hindi mo ako nakalimutan Victor. Hindi ko maaaring makalimutan ang isang ma
tinik na pulis na nakasama ko. Upo ka Mauro. Nemia, Nemia! Kamusta Mauro? Matagal tayong hindi nagkita ah. Mabuti naman. Anong ginagawa mo ngayon? Nemia. Bakit kuya? Ah.. Gusto kong makilala mo si Mauro. Dati kong kasama sa departamento. Kapatid ko si Nemia. Ah.. Kamusta ka Nemia? Magkakilala kayo di ba? Ah.. Ngayon ko lang siya nakita. Ah.. Tama ah, hindi nga pala nagpupunta sa presinto. Nag aaral siya nung araw eh. Kuya, baka gusto mong... kuha ko kayo ng maiinom. Ah sige, maglabas ka ng kape.
Sige Mauro. Kuwentuhan tayo. Maaari bang magtanong? Maaari. Saan ko makikita si Castro? Bakit? Mangungutang ka ba? Sana. Andiyan sa opisina. Tandaan niyo yan. Sa linggo kapag hindi kayo nakapagbayad. Hahatakin ko jeep niyo. Hayaan niyo Mister Castro, pipilitin namin makabayad. Anong pipilitin? Gawin niyo! Tandaan niyo yan. Sige, sige makaalis na kayo. Tataas pa presyon ko sa inyo. Palabasin na yan. Oh. Boss, may customer tayo. Oh.. Reyes. Naligaw ka? Mga bata ni Reyes. Dating Elite pulis yan eh
. Oh.. Mangungutang ka ba? Oh.. Kung mangungutang ka, Maglabas ka ng prenda mo. Eh kung hindi eh. Oo nga pala, Eh.. Yung isang daan libong nakurakot mo? Ha? Ubos na ba? Bagay matagal na ha. Oh sige upo ka muna. Ah hindi na. Hindi naman ako magtatagal eh. Ah .. Meron sana akong ipakikiusap sayo eh. Ano yon? Kung maari sana eh, Tigilan mo na yung ginagawa mong pananakot sa may Blumenttrit. Hoy! Hindi ka na pulis ha. Huwag mo kong mamanduhan dito sa opisina ko. Mga bata Tinatakot ako nito. Oh sige
lumabas ka na nga! At ang isa pa... Tungkol doon sa naganap na patayan sa tambakan ng segunda mano. Ayan. Yan! Interesado ako riyan. Anong tip mo? Talagang Ang lakas ng apog mo. Ubos ka na talaga 'no? Ha! Pati imformer pinasok mo na ah. Di bale bata. Ha.. May pabuya si Mister Oyong na limang libong piso, Sa sino mang makapagtuturo kung sinong pumatay. Ha, Alam mo ba kung sino pumatay? Oo. Eh.. Sino? Ako. Ikaw? Ang gusto kong malaman, Ay kung ano ang kaugnayan ng pagbagsak ng eroplano Sa apat na
patayang ito, limang taon na ang nakakaraan. Wala akong alam diyan. Katiwala lang ako rito eh. Castro, Ang may kagagawan ng mga patayang ito. Ay isa mukhang mamatay tao. Sino siya? Hindi ko masasabi sayo papatayin ako noon eh. Hindi ka natatakot kung ako pumatay sayo? Eh.. Papatayin ako noon eh. Ah ganon? Anong gagawin mo?! Kalagan mo muna ako rito. Reyes! Kalagan mo ko rito! Hoy! Hoy! Wala ako talagang nalalaman! Pakawalan mo ako rito. Reyes! Kalagan moko! Aba! Anong gagawin mo? Reyes! P****g i
**! bakit mo pinaandar? Hoy! Reyes! Pakawalan mo ko rito! Reyes! P****g i*a mo! Reyes! Pakawalan mo ko dito! P****g i*a mo! Reyes! Pakawalan mo ko! P****g i*a mo! Reyes! Pakawalan mo ko dito! P****g i*a mo! P****g ina! P****g i*a mo! Reyes! Pakawalan mo ko dito! Reyes! Reyes! Sasabihin ko na! Sasabihin ko na! Reyes! Reyes! Sasabihin ko na! Sino? Si.. si.. si Dado Santos. Isa sa may renewerya. Saan ko siya matatagpuan?! Dyan sa Raon. May puwesto siya roon eh. Reyes! Papano ako?! Kalagan mo muna a
ko! Reyes! Kalagan mo muna ako rito. P****g i*a mo! Reyes! Pakawalan mo ko! Dado Santos? Ako nga. Meron sana akong pagagawa sa inyo . Anong klaseng relos yan? Hindi relo ang pagagawa ko sa inyo. Ano ipagagawa mo? Maari bang makausap kita sandali? Oo. Minyong! Bantayan mo muna ito ha. (Oho) Dito tayo. Anong pag-uusapan natin? Isang daan libong piso. Ang halaga ng pag-uusapan natin. Anong isang daan libong piso? Sa serbisyo mo. Na bihirang taong gumagawa. Hindi kita maintindihan. Pinapunta ako rit
o ni Castro. At ikaw ang nirekuminda. Isaang daan libong piso kamo? Oo. Mas magaang ito, Kesa sa mga una mong ginawa. Walang pulitiko, Dalawang nagkaonsehan lang sa negosyo. Ikaw ang pinuntahan ko, Dahil pulido kang gumawa. Gaya nung tinira mo yung Mayor. Lalong lalo na ung negosyante. Pero para sa akin. Ang pinaka pulido, Ang trabaho mo sa eroplanong bumagsak. Gulat din ako sa'yo, Alam mo lahat. Sabihin nating... 'Yun naman ang linya ko. Ang malaman ang nangyayari. Sa paligid-ligid. Yung ginawa
ko sa eroplano, Para sa akin, 'Yun ang pinaka pulido kong trabaho. Kaya lang, Maraming nadamay na walang kasalanan. Totoo Dado. At kasama ang pamilya ko sa pagbagsak ng eroplanong 'yon. Kung hindi ako nagkakamali, Meron kang baril sa ilalim mo ng lamesa. Oo. Kaya gusto kong malaman ngayon. Kung sino ang umupa sayo noon? Siguro'y Sabihin ko man sa'yo o hindi. Papatayin mo rin ako. Hindi ba? Oo. Baka mo ko buweltahan. Kung sa bagay. Singkuwentay siyete anyos na ako ngayon. Nag simula ang trabaho
kong yon, Noong bente kuwatro anyos palang ako. Ang umupa sa akin noon, Ay si Mister Crisco Tablante. Yung smuggling lord. Maari ba? Bago mo ko patayin, Pabayaan mo muna akong magdasal. Oo. Mauro, may bisita ka na babae. Kanina pa naghihintay eh. Kaya pinakialamanan ko na yung pintuan mo. Nabuksan, naidlip na nga yata eh. Pasensiya ka na ha. Naidlip lang ako eh. Kanina ka pa raw naghihintay?. May kailangan ka sa akin? Ikaw yun ano? Ikaw yung nagligtas sa akin nung gabing 'yon. Gusto kong magpasa
lamat sa'yo. Hindi ko masabi sa kuya ko na ikaw nga nakita ko dahil, Ayokong malagay ka sa alanganin. Alam ko nangyari sayo at sa iyong pamilya. Alam ko din ang hirap na dinanas mo. At ang lahat ng yon, Ang lahat ng yon ay Nilonok mo na mag-isa. Salamat. Salamat at niligtas mo ang buhay ko. Salamat. Ah wala ba. Salamat. Hi, Good evening. Kayong dalawa sa loob. Gabing gabi na nag-aaral pa kayo ah. (Sige, pasok.) Saan ka ba galing? Ah kuya, nagpunta lang ako kila Cynthia. Tumawag ako kay Cynthia,
At sa lahat ng iyong kaibigan. Hindi ka nagpunta roon. Ito tandaan mo, Mag mula ng mamatay si Inay, ako nag alaga at palaki sayo. At iisa ang hindi ko gusto. Ang nagsisinungaling. Kuya, Mali ba ang puntahan ang taong nagligtas sa iyong buhay? Hindi Nemia. Kapag ang tao hindi nagsasabi ng totoo, 'yon ang mali! Dinaramdam ko kuya. Sir! Good evening Sir Carlos, may problema. Mauro Reyes? Si Tinyente? Sige, Patuluyin mo. Tuloy ka. Reyes! Sir! I'm sorry sir, For surprising you for a while. Glad to se
e you. Sige maupo ka. Thank you sir. Oh.. Kamusta? Saan ka ba nag tratrabaho ngayon? Oh.. Kamusta ang buhay mo ngayon? Eh.. Nakakaraos din Sir, kahit na papano. Sir kayo naman, kamusta kayo? Mabuti naman. Sir, laki ng inasenso niyo. Balita ko eh.. Nakapagpatayo kayo ng bahay, Naka bili kayo ng palaisdaan sa Bulacan. Ah, Ang lagay eh.. Nagkatulong-tulong kami ni Misis. Sinuwerte ng konti, Kaya ito, Umangat-angat. Buti naman sir. Oh ano? Nag asawa ka na ba ulit? Hindi pa sir eh, mahirap yung walan
g pirmihang trabaho eh. Ah kaya, Kaya ako nagsadya sa inyo sir, baka matulungan niyo ko eh. Baka meron kayo alam na koneksiyon eh, mairekomenda niyo ako. All the time. Maliit na bagay yan. Ah, (Thank you sir.) Excuse me. Hello. Ah.. Sandali lang. Ah Sir, hindi na ho ako magtatagal. Oh sige. Pasyal ka ulit ha. Yes sir, thank you sir. Hello. Reyes! Puwede ba tayo mag-usap? Panyero, Come to the house right now, I have to talk to you. It's very important. Hihintayin kita. Sige. Oo sige. Maaring ang
sasabihin ko, Ay ipagkaila mo. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Maraming salamat sa pagkakaligtas mo sa aking kapatid. Reyes. Hindi pa natatapos diyan ang ibig ko sabihin. Dati kang pulis, At alam mo, Na kapag ang tao ay lumaktaw at nangibabaw. At hindi doon sa dapat na kalagayan. Batas na ang kalaban niya. Kaya't ang mga patayan na ito, Ay dapat nang mahinto at matapos diyan. Ang lahat ng hihinto at matatapos, Kapag ang tao, Ay nabigyan ng katarungan. Kapitan. Apurahin ninyo. Aba Koronel Oyo
. Kamusta ka? Mabuti. (Sit down Koronel) Ah.. Korenel I do not like what is happening. Sunod-sunod ang patayan. Masama sa negosyo yan. We have lost three of our most trusted men. Lalong lalo na sa pagkamatay ni Dado Santos. Do you remember him Koronel?! He was our hitman, Five years ago. I do not like, What is happening. Tama! Tama ang sinabi mo Frisco. Parang may kaugnayan, ang isa't-isa Limang taon. Bigla na lang basta sumulpot. What's that Koronel? Ah.. Wala. Hindi ako sigurado. But I will lo
ok into it. Gawin mo. Koronel, you better look into it! Labrador. Good evening sir. Pinatawag niyo daw ako sir. Yes, Anong nangyari doon sa kasong mga hinahawakan mo? Ikaw ang humawak sa kaso ng tatlong pinatay sa segunda mano, Hindi ba? Yes sir. Gaya noong rape case, Nalaman mo ba kung sino, Ang pumatay doon sa rapist? I heard your investigations is ah.. Isa lang findings mo. Yes sir! Ayon sa imbestigayong ginawa ko sir, Ang approach at paraan ng pagpatay, Ang baril at kalibre ay iisa. Your fin
dings, Points to one man. Am I right? Yes sir! Iisang tao lang ang pinag-uusapan natin. 'Di ba Kapitan? Si Mauro Reyes? Yes sir. Continue your investigations. Ang if you have complete evidence against him, Arrest him. Yes sir. Oh, Nakabihis ka na pala eh, tara na. Sige sunod na ako. Oh! Alis na, ano ba naman ang tagal tagal mo naman eh. Ikaw lang makikisabay lang eh, ako pa ang maghihintay eh. Dali-dalian mo naman. Andiyan na. Benito! Ay, ano ba naman tong mga batang. Hoy Benito, dalian mo naman
maubusan ako ng pasahero. Pambihira kayo, kayo lang itong nakikisabay eh. Araw-araw na lang ah. Ano ito ale? Bigyan mo ko. Dalian ninyo. Wala na akong pasahero niyan eh, Dalian naman ninyo tanghali na eh. Pambihira kayo oo. Eh araw-araw na lang eh. Mauubusan ako ng pasahero niyan eh. T**g i*a mo ha! P****g i*a mo ah. Hah! P****g i*a mo rin. Naku Diyos ko! Hello. Ano?! Napatay silang lahat. Sh*t! Hanapin niyo. Huwag kayong titigil, Hanggat hindi niyo napapatay! Oh bakit? Ano bang nangyari sayo?
Eh.. Sir kasi, Anong ibig sabihin nito Reyes? Anong ibig sabihin? Hinintay lang kitang gumalaw. Sa susunod Koronel, Kung magpapadala ka ng tao para pumatay. Siguraduhin mo lang. Na ang ipadadala mo, Ay tiyak kung pumatay. Reyes, Baka hindi mo alam ang bigat ng sinasabi mo. Nabibigatan ka sa sinabi ko? Kulang pa yon Koronel. Iisa-isahin ko sayo. Nasa payroll ka ngayon ng isang malaking sindikato. Para bigyan sila ng proteksiyon. At ang pagkakatanggal ko sa serbisyo, Ikaw ang may kagagawan noon. I
kaw ang nagpalagay ng pera sa aking pinagtataguan. Para ako'y mapagbintangan. At ang matindi sa lahat. Ay doon sa mahigit isang daan taong namatay sa eroplano. Na kadamay ang aking pamilya. Malaking kinalaman mo sa nangyaring 'yon. May pananagutan ka rin doon. Hindi mo mapapatunayan yan Reyes. Kahit saang husgado tayo magharap. It's your word against mine. At sinong maniniwala sayo? Isang dating pulis. Mabuti na ang isang dating pulis, Kaysa sa isang nanunungkulang bugok. Na pulis na katulad mo.
Magbitiw ka na sa iyong tungkulin Koronel. At sunugin mo na ang uniporme mo. Baka may magsuot pa niyan mahawa. Palayuin mo mga tao mo Koronel. Baka nerbiyosin ako makalabit ko 'tong gatilyo. Lumayo kayo Hindi pa tayo tapos Koronel. Get Him! Hello, Sino ito? Ako nga bakit? Frisco Tablante? Si Mauro Reyes ito. Pinatay mo ang aking pamilya. Ngayon wawasakin ko buhay mo. Sino bang tinatakot mo? You come and get me you son of a b***h! Men! You have my orders. Shoot to kill! Yes sir! Why shoot to kil
l? Tinyente's order, Hindi masyadong mabigat yon? Reyes is armed and dangerous. Marami na siyang pinatay. Pero sir. Kinu-question mo ba ang order ko? Dahil kumikilala ka ng utang na loob kay Reyes pagkakaligtas sa kapatid mo? No sir, What I'm trying to say, (Labrador!) Yes sir. Sa trabahong ito. Ay walang personal na bagay. Batas lamang ang dapat mangibabaw. I know what I'm doing. That's an order! Yes sir! Maya-maya ng konti, aalis na ako Mang Intong. Pakisabi na lang kay Pepe na inintay ko siya
para magpaalam. Samantalahin ko na rin ang pagkakataong ito. Para magpasalamat sa mga kabutihan niyo sa akin. Hindi ko gusto ang himig ng pananalita mo Mauro. Para bang, May magaganap na hindi maganda. Isang pangyayaring, magdudulot ng lungkot at lagim. May dumarating. Mauro, Nagpasama sa akin si Nemia eh. Hindi niya kasi alam ang lugar na ito. Magandang gabi ho Mang Intong. Magandang gabi naman. Mauro mabuti inabot ka namin. Kailangan umalis ka na rito. Dahil na titiyak nila, Na may kinalaman
ka sa mga naganap na patayan. Yung patayan sa tambakan. Ang pagkamatay ni Butch. At yung isang taong nagngangalang Dado Santos. Huh! Dapat lang mamatay nang lahat ang ganyang klaseng tao. Sinasabi ko na nga ba eh. Hindi ako nagkamali. Ikaw lamang ang dumapo sa aming pugad. Ikaw ang dumagit at bumura. Sa kasamaan ni Badong Busangol. Siya si Agila. Si Mang Mauro ang Agila. Tutuloy na ho ako, Mang Intong. Patnubayan ka ng Diyos Mauro. Emong. Salamat sa malasakit mo sa akin Nemia. Mag-iingat ka. Ano
ng ginagawa mo rito? Hindi pa nakalalayo yon, Hanapin niyo! Mag-uusap tayo mamaya. Oh Nonoy, Kumpleto na ba mga tao mo? Oo kumpleto na. Oh sige, Pakalatin mo. [Sige lahat, doon kayo sa kabila.] Ang iba sumama sa akin ha. Tara! Oh, tara na. Doon tayo, doon tayo! Huwag kang mag-alala. Inutusan na ni Koronel na hulihin yang tao na yan. At shoot to kill orders pa! Hindi na aabot yang tao na yan dito. Pero kung sakali, Kung sakali.. Pero imposible. Inutos ko na mga bata ko, paligiran ang bahay mo. An
ino lamang ng tao na yan ang makita nila, Tadtad na ng bala! Oy Lance, doon kayo. [Oo] Oh, tara din, sa kabila kayo. (Sige doon tayo.) Boss, naka deploy na silang lahat. Oyong nadinig mo? Nadinig mo? Naka deploy na silang lahat. Kaya relax lang, huwag ka nang nerbiyosin, Relax. Eh.. Hindi bali na nerbiyos ko eh. Oyong ano b a? Ano ba nangyayari sayo? Sundan niyo bilis! Sundan niyo! Tignan niyo! Frisco, Frisco! Shoot him! G**o ka Reyes. Hindi mo pa ako, pinatay noon. Ngayon. Ikaw ang mamamatay. D
ahil marami kang nalalaman. Bugok na pulis. Lubha yung tama si Koronel, Dalhin natin sa Ospital. Oh kayo!, Habulin niyo! Naiipit ako. Sa pagitan ng aking tungkulin. At ng aking pang sariling damdamin. Ang gumugulo sa aking isipan, Ay kung ano ang namamagitan sa inyo ni Koronel. Inuutos ng aking tungkulin, Na ikaw ay dapat kong dakpin. Ngunit sinasabi ng aking damdamin, Ang utang na loob ko sayo. Palalampasin ko ang pagkakataong ito. Pero maaring sa isang saglit, Umiral ang aking tungkulin. Alam
kong naunawaan mo ako Mauro. Victor. Pakinggan mo ko. Ikaw ay isang mabuting pulis. Huwag kang hihinto sa pagbibigay ng magandang halimbawa. Ipakita mo ang tao. At makikita nila ang batas. Dahil ang kapakanan ng tao, Ang pangunahing batas. Lo, Hmm.. 'Di ka rin makatulog? Hindi nga eh. Ako inaalala ko si Mang Mauro. Nasan kaya siya ngayon Lo? Babalik pa ba siya? Maari. Tulad noong makilala natin siya. Bigla na lang siya sumipot sa buhay natin. Anong malay natin baka.. Mang Mauro! Mang Mauro, mero
n po kayong sugat. Dapat po namin kayo dalhin sa ospital. Hindi na kailangan Pepe. Hindi lang ako makaalis, hanggat hindi kita nakikita. Aalis po kayo? Saan po kayo pupunta? Di ba po kayo ang Agila na dadagit sa mga mas... [Pepe] Hindi ako maaring magtagal dito. Pakinggan mong mabuti ang sasabihin ko. Huwag mong kalilimutan ang paninindigan mo sa buhay. At sila'y dalhin mo, hanggang sa paglaki mo. Tulad ng sinabi mo, Ang narinig ko. Na hindi ka mawawalan ng pag-asa. Hanggang may basura. Mang Int
ong. Pepe, halika rito. Pepe. Pepe! Agila! Agila! Agila! Agila! Agila!

Comments

@fpjproductions

Thank you, everyone, for joining our YouTube premiere of this timeless classic movie of FPJ! We're incredibly grateful for the overwhelming support and enthusiasm for the FPJ-Restored Full Movie. A special shoutout to all the fans of FPJ, "DaKing of Filipino Action Movies" – your unwavering support means the world to us! Let's continue celebrating the legacy of the legendary Fernando Poe Jr. together. Maraming salamat sa inyong lahat! Don't to forget to Like, Share and Follow.

@alvinjosephong8409

Ang sarap panoorin. Buhay na buhay si Da King! Congratulations, thumbs up, good job, at lahat lahat na sa FPJ Productions! Immortalized si Da King sa ginawa nyo!! Sana tuloy tuloy restored FPJ movies!! Daig pa nanood sa sinehan!!

@ceebeedada

My ultimate fav actor.I love FPJ so much. Tinitingala ko po sya mula pa nung bata pa ako till now nag iisang Da King lang sa puso ko forever ❤️❤️❤️

@jadericabuertadeguzman7809

No cuts, full movie talaga. Salamat FPJ Productions. More Restored Movies please!

@b1t633k

Impressive restoration! and kudos to the men and women behind this great initiative to preserve FPJ's classics.

@Normz_24

Bilang suporta sa channel na to lahat ng ads hindi ko ini skip. Please restore all Movies of Fernando Poe Jr.💪🏾🇵🇭🔥

@jtgan7202

Da King will always be my idol..even from the 70s watch it..awestruck ako..the legend lives on..sana ma restore lahat lalo na yung isa pelikula na never before seen juan dela cruz..it is a film that was not shown..but alam ng FPJ..yan sana mahanap..miss FPJ..

@ChrisadventureTV08

Iba tlaga . Pag Classic FPJ movies. . Wala masyadong backround music. Mafifeel mo yung sinaryo ng palabas na to . Kinalakihan ko na bata pako napapanood ko na ang palabas ni fpj. Biabalìk balikan ko 🎉

@lotananea1187

wala tlagang makakapantay kay da king...mga pelikula nya na inuulit ulit ko at talagang di nkakasawa...tatay ko c da king din ang paborito kahit araw araw ..sa sinehan dati 3x nya pinapanood...wla tlagang katulad ang isang FPJ❤️❤️❤️

@shirleygonzales3825

Mag 7 year's me dto s gitnang silangan ....paulit ulit ko n itong pinanonod ...i swear d nkksawa This is legacy ❤❤❤😊😊😊

@nathansumanion3543

ang ganda ng istorya hanggang ngayon wala pa din makakapantay sa The King

@altino1164

PLEASE MAKE MORE MOVIES LIKE THIS ONE.. BETTER, CLEARER AND SHARP. MILLIONS OF FPJ FANS WILL BE GRATEFUL TO WATCH IT.❤❤❤

@mharsvideos2515

Napaka ganda tlga ng mga pelikula ni the king.. idol na idol nmin to ni tatay.😍❤❤lahat ng pelikula nya lagi namin pinapanuod dati nung uso pa yung tape. Hehe ang galing umarte nakakaproud. Ibang klase tlga. ❤️

@ryanrefre7861

Sana po lahat ng FPJ movies restored in full movie walang tapon lahat pelikula ni Da King

@ronanjarometa976

Nakakataba ng puso na muli itong mapanuod ng napakalinaw. Mas nabigyang buhay ang husay at ganda ng mga pelikula ng nagiisang Daking FPJ! Please upload more full films. One of my personal favorites. Hindi pa tapos ang laban at kapag puno na ang salop. And many many more!! Thank you! And much love. FPJ productions!

@marianolontoc5556

This is a great restoration of FPJ movies. Special thanks to the people who have done this to make movie watching of FPJ movies more enjoyable. Keep up the good work.

@charlieg1932

I love FPJ movies ang isang hari ng pinikulang pilipino. ❤🎉 salamat po sa uploader. God bless po 🙏❤️

@asherahbelledandan3107

Kudos FPJ Productions for RESTORING 1 of FPJ movie, looking forward sa ibang Movies ni Da King for restoration! ❤❤❤❤❤❤❤❤

@donnereymasikat396

Iba talaga kapag c FPJ ang gumawa ng pelikula,,kakamiss yung mga ganitong palabas,,batang 90's here,,mag 20 yrs narin pala nung namaalam c DaKing,,,RIP idol,,salamat sa magagandang pelikula mo,,

@donibell7464

Grabeng Restoration toh. Sobrang effort ang ginawa. Maraming salamat sa pag restore. More fpj movies po. Subscribe ko na itong channel nyo, More power. Godbless